Posas

Lolo ninakawan na pinatay pa

February 24, 2024 Jojo C. Magsombol 118 views

PATAY na ng matagpuan ang isang magsasaka ng kanyang asawa at apo sa bundok ng Brgy. San Isidro, Cuenca, Batangas na unang inakala na walang foul play ang pagkamatay.

Nakilala ang biktima na si Margarito Palma Magpantay, 71, ng Brgy. San Isidro, Cuenca, Batangas.

Hindi agad ine-report ang pagkamatay ng magsasaka sa Cuenca Municipal Police Station (MPS) pero nawawala ang cellular phone, belt bag at kutsilyo ng namatay kaya nagpasiya silang i-report na may foul play sa insidente.

Suspek sa pagkamatay si alyas Esikiel, 23, ng Brgy. Papasok, Mambusao, Capiz. Naaresto noong Peb. 16 ang suspek at narekover sa kanya ang mga gamit ng biktima.

AUTHOR PROFILE