Default Thumbnail

Lolo nasunugan na namatay pa sa atake sa puso

December 6, 2023 Edd Reyes 126 views

NAMATAY ang 62-anyos na lolo nang atakihin sa puso habang nilalamon ng apoy ang bahay niya noong Martes sa Paranaque City.

Isinugod pa ang biktimang si Rudencio Luba matapos mahirapang huminga nang sumiklab ang sunog dakong alas-3:54 ng hapon sa Ipil Ville, Brgy. BF Homes pero hindi na umabot ng buhay.

Mabilis kumalat ang apoy sa mga kabahayan at natapos ng maabo na ang 24 na kabahayan na nagresulta sa pagkawala ng tirahan ng may 45 na pamilya.

Sa report ng Paranaque Bureau of Fire Protection (BFP) itinaas ang sunog sa ikalawang alarma bago tuluyang mapatay dakong alas-6:31 ng gabi.

Inaalam pa ng Arson Division ng Paranaque BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog.

AUTHOR PROFILE