Default Thumbnail

Lolo na wanted sa ‘estafa’ sa Roxas City, kalaboso

June 3, 2023 Jonjon Reyes 271 views

HINDI na nagawang matakasan ng isang 65-anyos na lolo ang halos limang taong pagtatago sa batas dahil sa kasong “estafa” mula sa Roxas City matapos matunton ito ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Malate Police Station 9 sa harap ng isang condominium sa Taft Avenue, Biyernes ng gabi, Hunyo 2, 2023.

Ang suspek na itinago sa alyas na “Mang Kanor” ay pawang tubong Roxas City.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, station commander, bandang 10:00 ng gabi, nang mamataan ang suspek sa Taft Ave. dahil na rin sa “tip” ng isang impormante.

Sa pangunguna ni P/Cpt. Jose Ric Morelos, hepe ng Station Warrant Section, natimbog ang suspek sa pamamagitan ni PSSgt. Solomon Bataller na siyang nagsilbi ng arrest warrant na inisyu ni Judge Bonifacia Carmen Chuchi A. Ramos ng Regional Trial Court Branch 3 ng Roxas City na may petsang Setyembre 10, 2018 sa nasabing kaso at iginawad ang “service of sentence.”

“Patuloy namin ginagampanan ang aming tungkulin at hindi kami nagpapabaya sa programa ng butihing heneral na si MPD Director PBGen. Andre P. Dizon ang ‘Oplan Galugad’ at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations at ang pagpapatuloy na programa din ni NCRPO PMGen. Edgard Alan Okubo ang Seen, Appreciated, Felt, Extraordinary (SAFE) for Police Officer,” pahayag ni Tangdol.

AUTHOR PROFILE