Lolo

Lolo na nakulong sa Pangasinan, tinulungan ng ACT-CIS

January 20, 2022 People's Tonight 108 views

BAGAMA’T nakalaya na ang 80-years old na lolo sa Asingan, Pangasinan matapos kasuhan ng pagnanakaw ng 10 kilong mangga ng kapitbahay, nagpasyang tulungan ito ng ACT-CIS Partylist sa kanyang bagong panimula.

Nagpaabot ng P10,000 cash ang grupo kay Lolo Narding Floro para makapag-umpisang muli.

Ayon kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, “Wala palang ikinabubuhay si Lolo Narding at walang pamilya dahil matandang binata pala ito.”

Dagdag pa ni Yap, “Sabi niya ine-negosyo niya ang pera para may pagkakakitaan daw siya.”

Pakikiusapan din ng ACT-CIS ang nagsampa ng reklamo laban kay Floro na iatras na lamang ang kaso for “humanitarian consideration.”

Si Floro ay inaresto at kinasuhan matapos ireklamo ng may-ari ng lupa na pinagpitasan nya ng mangga.

Napag-alaman na Abril pa noong nakaraang taon nangyari ang kaso subalit hinayaan lamang daw ni Lolo Narding dahil kulang umano ito sa pag-aaral.

AUTHOR PROFILE