Posas

Lolo na may bolo umiskor sa bebot arestado

December 5, 2023 Melnie Ragasa-limena 140 views

ARESTADO ang 62-anyos na lolo noong Lunes dahil sa panunutok ng bolo para halayin ang 14-anyos na masahista sa loob ng taxi sa Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station (PS-11), bandang alas-6:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa taxi sa tabi ng Playdium sa Tagupo St., Brgy. Tatalon, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl Jona Marie Flores ng Women and Children Protection Desk, noong Nob. 30 nagkakilala sa Funeraria Paz ang suspek at ang biktima.

Nalaman ng suspek na nagmamasahe ang dalagita kaya sinabihan niya ito na gusto niyang magpamasahe kaya nakipagkita ang biktima sa Kaliraya St., at pagkatapos tumuloy ang dalawa sa nakaparadang taxi.

Habang nagmamasahe ang dalagita sa loob ng taxi tinutukan ng suspek ng bolo ang biktima at inutusan na hubarin ang damit.

Dahil sa takot, walang nagawa ang suspek kundi ang manahimik habang pinagsasamantalahan ng suspek.

Nang makauwi sa bahay ang dalagita, nagsumbong ito sa kanyang ina para ipaaresto sa mga awtoridad ang suspek.