Default Thumbnail

Lolo may Alzheimer’s, epilepsy nawawala sa Alitagtag

September 16, 2023 Jojo C. Magsombol 277 views

ISANG 63-anyos na lalaki na umano’y may Alzheimer’s at epilepsy ang nawawala nang umalis ng kanilang bahay sa Bgy. Poblacion West, Alitagtag, Batangas noong Miyerkules.

Isinalarawan ng mga kaanak ang nawawala na may taas na 5’7, puti ang buhok, naka-itim na t-shirt at brown na short pants.

Ayon pa sa mga kaanak, maaaring lumabas lang ng bahay ang matanda pero hindi na nakabalik malamang dahil sa sakit nito.

Sinabi ng 70-anyos na kapatid na babae ng nawawala sa mga pulis na malamang na umalis ang kanyang kapatid bandang alas-3:00 ng madaling-araw nang hindi nila napansin.

AUTHOR PROFILE