Medina

Lolo arestado sa ‘rape’ ng apo

April 3, 2022 Melnie Ragasa-limena 230 views

ARESTADO ang isang lolo na inaakusahang nanggahasa sa kanyang sariling apo sa Quezon City.

Ayon sa report ng Batasan Police Station (PS 6) na pinamumunuan ni PLtCol. Alex E Sonido, kinilala ang suspek na si Allan Mirabueno, 51, nakatira sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Ang suspek ay dinakip ng mga tauhan ng PS 6 sa kanyang tahanan dakong 3:30 p.m. noong Abril 2, 2022 kasunod sa reklamo ni Mary Kris Mirabueno, 22, tiyahin ng biktima.

Nabatid na nadiskubre ang nasabing insidente matapos isuplong ng menor de edad na biktima, anim na taong gulang, Grade 1 student, at apo ng suspek, na bandang 3:30 p.m. sa parehong araw, habang tahimik na nakaupo ang biktima sa kanilang sofa ay nilapitan ito ng suspek.

Kinarga umano ng suspek ang biktima at pinaupo sa kanyang mga hita. Ipinasok umano ng suspek ang kanyang mga daliri sa kaselanan ng bata.

Daglian namang ipinagbigay alam ng tiyahin ang nasabing impormasyon sa PS 6 na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek na positibong kinilala ng biktima na siyang salarin sa naganap na krimen.

Mahaharap ang suspek sa kasong panggagahasa sa ilalim ng R.A. 8353 o Anti-Rape Law of 1997.

“Pinapaalalahanan ko ang mga magulang o guardians ng mga kabataang ito na dapat lagi silang sinusubaybayan upang masigurong ligtas sila sa anumang klase ng pang-aabuso o pagmamalabis,” pahayag ni PBGen.Remus B Medina .