Default Thumbnail

Lolo, 80, nasagasaan ng taxi, humabol sa Undas

November 4, 2022 Melnie Ragasa-limena 255 views

NASAWI ang 80-anyos na lolo na matapos na masagasaan ng ‘di pa nakikilalang taxi driver na tumakas matapos ang insidente noong bisperas ng Undas sa Quezon City.

Sa report, tumatawid umano ang biktimang si Jaime Bien Sr. galing sa bahay ng kaibigan sa sa kanto ng De Vera St., Roosevelt Ave., bandang 4 a.m. noong Linggo nang biglang mabudol ng humaharurot na taxi.

Dahil sa umuulan ay sumenyas pa umano ang lolo sa driver pero sa halip ay pinaharurot pa umano ang taxi nito dahilan upang mahagip ang biktima saka tumilapon sa gilid ng bangketa.

Nabatid na nakunan sa CCTV, na sa halip na tulungan ng driver ang nabundol na lolo ay mas pinaharurot pa nito ang kaniyang minamanehong taxi.

Hanggang sa kasalukuyan ay blangko pa rin ang pulisya sa pagkakakilanlan ng driver, maging ang plaka nang taxi na minamaneho nito dahil dahil hindi umano malinaw ang kuha ng CCTV.

Sa isang panayam, hinala ng pamilya na tila sinadya ang pagbundol sa kanilang lolo dahil nakita sa CCTV na matapos banggain ay idineretso pa ng driver ang taxi na tila parang nais pang araruhin ang biktima, at kinabig pa sa gilid ng gutter bago tuluyang tumakas.

Panawagan ng pamilya, na sana naman ay makonsensiya ang taxi driver at kusang loob na sumuko upang makamit ang hustisya sa namayapa nilang lolo.