Lolo, 70, timbog sa rape

January 18, 2022 Jonjon Reyes 250 views

INARESTO sa bisa ng arrest warrant ang isang 70 anyos na lolo ng mga tauhan ng Manila Police District, na nasa top 1 most wanted sa PRO3 dahil sa 2 counts ng rape, sa Porac, Pampanga.

Nakilala ang suspek na si Victor Carlos, ng Heneral Luna, Brgy. Babo, Porac Pampanga.

Batay sa ulat ng MPD Station 13, bandang 1:30 ng hapon, nang arestuhin si lolo sa kanyang bahay at inihain ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Latrina Nora Buan, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Family Court Branch 20 ng Angeles City Pampanga.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na unang inireklamo ng panggagahasa sa isang menor de edad. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE