Dizon

Lolo, 70, tiklo sa 3 counts of ‘rape’

November 16, 2022 Jonjon Reyes 731 views

ISANG 70-anyos na lolo ang inaresto dahil sa kasong three counts of rape, makaraang isilbi ang arrest warrant sa kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila, Martes ng hapon.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Director Brigadier General Andre P. Dizon ang suspek ay pawang residente ng San Anton Street, sa Sampaloc.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, station commander ng MPD Baseco Police Station 13, pasado alas 5:20 ng hapon nang pasukin ang bahay ng matanda dahil sa umano’y kinahaharap nitong kasong panggagahasa.

Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Roy Geronila, ng Regional Trial Court Branch 43 ng Maynila na may petsang Hulyo 20, 2015.

Pinangunahan ni P/Lt. Mel Soniega, hepe ng Station Warrant Section sa utos na rin ni Borbe para arestuhing ang suspek.

AUTHOR PROFILE