Default Thumbnail

Lolo, 70, apo, 17, patay sa sunog sa QC

November 22, 2024 Melnie Ragasa-limena 101 views

PATAY ang mag-lolo at 15 pamilya ang naabo ang bahay sa sunog na nagsimula sa isang bahay sa Novaliches, Quezon City noong Huwebes.

Natagpuan ang sunog ng bangkay nina Ernesto Macapagal, 70, at 17-anyos na apong babae nang maapula ang sunog sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Batay sa pagsisiyasat nng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nagsimula ang sunog bandang alas-4:30 ng hapon.

Ayon sa saksing si Evelyn de Guzman, napansin niyang nasusunog ang bahay ng mga biktima kaya humingi siya ng tulong sa barangay at Bureau of Fire Protection (BFP).

Rumesponde ang 32 firetrucks hanggang maapula ang sunog bandang alas-6:23 ng gabi.