Default Thumbnail

Lolo, 67, nilamon ng dagat

July 30, 2023 People's Tonight 287 views

ISANG 67-anyos na lalaki ang nalunod sa dagat sa Calatagan, Batangas noong Biyernes ng hapon.

Ayon sa Calatagan police, nalunod ang lalaki sa dagat sakop ng Bgy. Quilitisan, Calatagan, Batangas dakong alas-2 ng hapon.

Dakong alas 3:20 ng hapon noong Hulyo 28, 2023 nang nakatanggap ng report ang mga pulis tungkol sa naganap na trahedya sa lugar.

Base sa imbestigasyon, magkasamang nangisda ang lolo kasama ang manugang na si Loreto Palo.

Tumayo umano ang nasawi sa gilid ng sinasakyang bangka at nadulas kaya bumagsak sa tubig at mabilis na lumubog.

Nasagip ng manugang niya ang lolo at isinugod sa Calatagan Medicare Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Rose Arlette De Castro.

AUTHOR PROFILE