Lolo, 59, ng mga kapitbahay mula sa nasusunog na bahay
NASAGIP ang 59-anyos na lolo ng kanyang mga kapitbahay mula sa nasusunog niyang tahanan sa Quezon City nitong Miyerkules ng madaling araw.
Nagtamo ng mga paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Francis delos Reyes nang mailabas ng mga kapitbahay mula sa nasusunog na bahay sa kahabaan ng Luzon Ave., sa Brgy. Pasong Tamo.
Sinabi ng field office ng National Capital Region ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-2:02 ng madaling araw at umabot sa unang alarma.
Ayon kay Delos Reyes, nasa sofa siya nang magising siya nang maramdamang mainit ang kaniyang paligid at doon ay nakita niyang nasusunog na ang kanilang bahay.
Upang makalabas, ay binuhusan umano ng tubig ni Delos Reyes ang apoy pero sa halip na mamatay ay mas lalo pa umanong lumaki kaya humingi na siya ng saklolo sa mga kapitbahay.
Nang marinig ang sigaw ng lolo, pilit na binuksan ng mga kapitbahay ang gate ng kanilang bahay at masuwerte namang nailabas ang biktima saka isinugod sa ospital.
Naapula ng mga bumbero ang apoy dakong 2:20 a.m. at inaalam pa ang sanhi ng sunog.