Lolit

Lolit, touched sa pagtulong ni Kris

September 28, 2022 Vinia Vivar 123 views

Kris

Sobrang na-touch ang veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis kay Kris Aquino dahil kahit may sarili itong matinding health problem ay nagawa pa siyang tulungan sa kanyang sakit.

“Kaya hindi ko puwede hindi mahalin si Kris Aquino dahil lagi siyang ready to help out kung kailangan mo siya, Salve. Dahil nasabi sa kanya ni Ronite @dpersonalshopperph na nagda dialysis ako kaagad niyang pinatawag si Alvin para alamin kung ano kailangan ko at ibibigay niya agad. To think na meron siyang sakit at nasa abroad siya,” ang post ni ’Nay Lolit sa kanyang Instagram.

Ito raw talaga ang hinahangaan niya kay Kris – na kahit taklesa at may pagka-pilya, likas na mabait ang puso nito.

“Talagang kahit love/hate ang relationship namin dalawa, hindi talaga nalimutan ni Kris Aquino ang naging friendship namin.

“Kahit kelan sasabihin ko na walang mean bone si Kris, puwede na naughty siya, tactless pero magaan at bukas palad siya dahil mabait ang puso niya,” sey ni ’Nay Lolit.

Wish niya na malampasan ni Kris ang mabigat na pinagdaraanan at bumalik na ang dating lakas.

“More than anything gusto ko gumaling si Kris para sa mga anak niya. Sana naman anuman ang sakit niya gumaling na at maging energetic siya uli. Kris Aquino will always be special sa lahat ng tao na natulungan niya, sa mga kaibigan niya, at lalo na sa nagmamahal sa kanya,” aniya.

Mensahe pa ni Nay Lolit kay Kris, “Pagaling ka, Kris, don’t stress yourself sa mga bagay na walang kuwenta, you are loved and you are worth the love. Thank you, will always remember your sweetness and kindness. Salamat talaga.”

B-DAY DINNER SHOW

Magarbo ang selebrasyon ng kaarawan ng tinaguriang Queen of Entertainment Bar na si Genesis Gallios.

Magkakaroon siya ng birthday dinner show na Reign sa Manila Hotel, Centennial Hall sa October 1, 7 p.m.

Ito ay handog ng Gergall Events and Talent Management sa direksyon ni Mak de Leon.

Tampok sa show sina Xian Lim, Vin Abrenica, Madam Inutz at Ima Castro.

Nandoon din ang Junior New System, Pink Mannequins, Gents Squad, Breezy Boys at surprise guest.

Para sa iba pang detalye, tumawag sa 09267212369.

Si Mommy Gen ay kilala ring director, producer, pageant host at co-owner/director ng Apollo World Class Male Entertainment & KTV Bar at The One 690.

AUTHOR PROFILE