Lolit

Lolit, saludo sa sinseridad ni Toni

October 23, 2022 Ian F. Fariñas 402 views

Toni

BUMILIB ang talent manager/showbiz columnist na si Lolit Solis sa husay mag-handle ng issues ng TV host-actress na si Toni Gonzaga.

Sa solo mediacon kasing ibinigay ng bago nitong home network na AllTV, isa-isa at game na game na sinagot ni Toni ang lahat ng intrigang ipinupukol sa kanya nitong mga nakaraang buwan.

Isa na rito ang P10-M talent fee umano niya sa istasyon na pag-aari ng pamilya ni dating Senador Manny Villar.

Ani Toni, hindi monetary consideration ang nagtulak sa kanya na pumirma sa AllTV at AMBS kundi ang pagkakaroon ng paniniwala at kapanatagan ng puso na ito na ang nakatakdang sunod na hakbang sa kanyang showbiz career.

Kaya naman ani ’Nay Lolit, ang galing-galing na ni Toni. Full of wisdom na raw ito ngayon at sincere sa pagsagot sa lahat ng tanong sa mediacon.

“Ang honest niya sa pagsagot sa lahat ng tanong. Direct to the point. Mukhang masayang-masaya ang private life ni Toni Gonzaga dahil ang ganda at very positive ang disposition niya. Kaya pala napakahusay niya bilang host. Kaya suwerte ng AllTV na meron silang Toni Gonzaga. Napaka-pleasant pa niya makipag- usap sa lahat. For sure mataas ang rating ng kanyang talk show (Toni, weekdays, 5-6 p.m.) dahil na rin kay Toni Gonzaga na siyang host nito. Congrats Toni, and more power!” papuri pa ni ’Nay Lolit sa controversial TV host-actress.

AUTHOR PROFILE