Paolo

Lolit sa hiwalayang Paolo-LJ: Life goes on

August 22, 2021 Ian F. Fariñas 130 views

IKINALUNGKOT ng talent manager na si Lolit Solis ang usap-usapang hiwalay na ang alaga niyang si Paolo Contis at ang partner nitong si LJ Reyes.

Wala pang kumpirmasyon mula sa aktor at aktres, pero nagsimula itong umugong nang i-unfollow ni Paolo si LJ sa Instagram at burahin lahat ang pictures nito.

Sa Instagram post ni ’Nay Lolit kahapon, sinabi niya na nakakalungkot kung totoo ngang hiwalay na ang mga magulang ng bagets socmedy sensation na si Summer.

Akala raw kasi niya, si LJ na ang “The One” para kay Paolo lalo pa nga’t matagal nang nagsasama ang dalawa at mukhang compatible naman.

Inamin ni ’Nay Lolit na maging siya ay nagulat sa balita.

“Siguro nga dumating sila sa punto na nawala na iyon romance, may mga konting problema na lumaki, kaya umabot sa hiwalayan. Sayang talaga ang isang relasyon pag napuputol lalo na at marami ka ng na invest na emotion. Sayang din iyon oras na akala mo lalo nagpatibay sa inyong dalawa, pero sa halip ay pumutol pa sa nadarama nyo for each other. Tutoo iyon dapat bawat oras may good memories kayo, para lalo tumibay, pero kung sa oras na iyon problema ang hinaharap nyo, magiging very thin ang line na nagbibigkis sa inyong dalawa. Sana lang walang bitterness kila Paolo Contis at LJ Reyes. Sana maging maganda ang moving on process nilang dalawa. Sana they will end up as friends for the sake of Summer, ang anak nila. Just be strong Paolo and LJ. Fighting! Life will go on,” mahabang pahayag pa ng talent manager.

Kaugnay nito, sa hiwalay na IG post ay sinabi rin ni ’Nay Lolit na hindi siya naniniwalang may kinalaman si Yen Santos, partner ni Paolo sa trending Netflix movie na A Faraway Land, sa pinag-uusapang hiwalayan nila ni LJ.

AUTHOR PROFILE