Kris

Lolit, may pakiusap sa bashers ni Kris

May 23, 2022 Vinia Vivar 70 views

Napaiyak ang veteran showbiz writer and talent manager na si Lolit Solis sa sulat na ipinadala sa kanya ni Kris Aquino.

Ayon sa Instagram post ni ’Nay Lolit, umiyak daw siya sa part kung saan ay sinabi ni Kris na ang hiling lang nito ay mabuhay pa siya hanggang sa pwede nang alagaan ni Bimby ang kuya nitong si Joshua.

“Umiyak ako sa parte ng hinihiling lang niya na sana mabuhay siya hanggang marating ni Bimby ang edad na puwede na niya alagaan si Joshua.

“Iyon mabuhay siya para na lang sa dalawang anak niya. Tanggap niya na nahihirapan siya sa kanyang sakit, at talagang napi feel niya kung minsan iyon hirap na hindi na niya makaya at hirap na siya kahit sa pagsusulat,” pagbabahagi ni ’Nay Lolit.

Ipinagtapat din ni Kris sa kanya ang pain na nararamdaman nito because of her illness.

Awang-away si ’Nay Lolit sa TV host/actress sa kalagayan nito ngayon.

“I was so sad reading her letter dahil talagang ipinagtapat niya iyon pain na nadarama niya. Nakaka lungkot na negative pa iyon iba sa reaction nila kay Kris at hindi alam kung ano ang pinagda daanan nito sa health niya.

‘Kitang kita mo ang pagpayat ni Kris, sign na talagang may nadaramang sakit,” aniya.

Pero at the same time ay humahanga rin naman siya kay Kris dahil tinitiis at kinakaya ang pain.

Kaya hilig ni ’Nay Lolit sa mga bashers ng aktres/TV host ay maghinay-hinay naman.

“Hanga ka nga sa kanya dahil kinakaya niya ang pain at pinipilit ang katawan para hindi masyado mag alala ang mga tao sa paligid niya.

“Maging kind tayo kay Kris Aquino, single mother ng dalawang anak na mga hindi pa puwede mamuhay ng wala ang guidance ng kanilang ina.

“Maging malambot ang puso natin sa kanyang journey sa buhay, gabayan natin para hindi maging mahirap ang lahat para sa pamilya niya.

“Hindi niya kailangan ang bashing, o anuman pagpuna sa ngayon. Sensitive siya dahil ayaw niya na pati mga anak ay maapektuhan. She is worth loving, dahil isa si Kris Aquino sa tutoong tao sa showbiz. Be kind to her. Love her,” pagtatapos ni ’Nay Lolit.

AUTHOR PROFILE