Lolit

Lolit ikinalungkot ang pagkakadawit ng GMA sa isyung sexual abuse ni Sandro

August 2, 2024 Vinia Vivar 99 views

Sa gitna ng mainit na usap-usapan hinggil sa kaso ni Sandro Muhlach, nagbigay ng kanyang opinyon ang veteran showbiz columnist, talent manager at dating “Startalk” host na si Lolit Solis.

Para kay ‘Nay Lolit, walang kinalaman ang istasyon sa mga nagaganap sa labas ng trabaho.

“Malaking balita sa showbiz iyon nangyari kay Sandro Muhlach. Ang hindi lang maganda nasali ang GMA sa balita. Wala naman siguro kinalaman ang station kung anuman ang nagaganap outside of their jurisdiction,” aniya.

Bagama’t Kapuso talents daw ang involved, para sa kanya, hindi na sakop ng radar ng network ang ganitong pangyayari.

“Puwede may mga trabaho sa maraming shows ng GMA iyon 2 binabanggit na taga production. Puwede na taga Sparkle din si Sandro Muhlach.

“Pero iyon mga ganitong pangyayari wala na siguro sa radar ng GMA. Puwede parusahan sila ‘pag nagkaroon ng formal complaint, pero iyon nangyari insidente personal nilang pagkakamali iyon at maliban kung magsasampa ng legal na action saka pa lang puwede gumawa ng nararapat na hakbang ang station,” sey ni ‘Nay Lolit.

Nakakalungkot nga raw na sa ganitong pagkakataon ay nadadawit ang GMA.

“Very sad na sa ganitong mga insidente nasasali ang GMA dahil lang sa nagkataon nagtrabaho sa kanila ang mga nadawit, pero hindi naman siguro kasalanan ito ng GMA,” sey niya.

“Matagal pa ang balita tungkol dito, dahil hindi naman basta sino lang ang nasangkot. Kabilang sa showbiz royalty ang mga Muhlach, at popular na mga production people din iyon 2 nabanggit.

Dahil siguro walang exciting na news, hayan lumaki na ng husto ang balita,” patuloy niya.

“Bongga. Tignan natin ang ending. Ipaglaban mo basta tama ka. Huwag kang hihinto sa laban. Kaya abangan natin, at tignan ang mananalo,” pagtatapos niya.

AUTHOR PROFILE