Boyfriend

Lolit, bilib kay Sue sa ‘Boyfriend #13’

June 29, 2021 Ian F. Fariñas 202 views

ISA ang talent manager/showbiz columnist na si Lolit Solis sa mga hanga kay Sue Ramirez.

Ayon sa kanya, napanood niya ang promo ng Boyfriend #13, ang bagong proyekto ni Sue na kilig series para sa WeTV, at na-impress siya sa pagiging very witty at very articulate nito.

Magaling daw na conversationalist ang girlfriend ng budding action star na si Javi Benitez kaya naman going great ang kanyang showbiz career sa dami ng ginagawa at pagiging laging busy.

Balita pa ng talent manager, maganda ang pagkakagawa ng first directorial job ng komedyanteng si John “Sweet” Lapus kaya wish niya, marami ang manood nito at maging tagumpay ang unang pagsabak ni Sweet sa pagdidirek.

Kasama nga rin pala ni Sue sa cast ng Boyfriend #13 sina JC de Vera at JC Santos mula sa APT Entertainment.

AUTHOR PROFILE