Default Thumbnail

Lola, rider sugatan sa pamamaril sa Basilan

May 2, 2023 Zaida I. Delos Reyes 208 views

SUGATAN ang isang lola at kasama nitong rider ng motorsiklo makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakiklalang riding in tandem sa Basilan.

Ang mga biktima, isang lola, 58, at driver nito, pawang residente ng Tinambakan, Barangay Maganda, Lamitan City.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang insidente ay naganap sa kahabaan ng Bgy. Parangbasak, Lamitan City.

Lulan umano ng motorsiklo ang mga biktima patungo sa Sitio Makuhun, Bg.y Parangbasak nang bigla na lamang silang pagbabarilin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod ng mga nakasaksi ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.