Lola namatay sa COVID sa bahay

September 14, 2021 Francis Naguit 188 views

ISANG 80-anyos na lola na nagpositibo sa COVID ang namatay sa loob ng kanyang tahanan sa San Andres Bukid, Manila.

Ang nasabing lola ay nakatira sa Peñafrancia St., San Andres.

Ayon sa ulat ng MPD-Homicide Section, pasado 9 a.m. ng Martes nang makita ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang tahanan.

Nang ipa-swab test ito ay nagpositibo umano ito sa Delta variant ng COVID-19. Francis Naguit & Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE