Default Thumbnail

Lola nakitang nakabigti ang apo

January 27, 2024 Jonjon Reyes 242 views

NADATNAN ng lola ang kanyang 24-anyos na apo na nakabigti sa kwarto sa Brgy. 203, Tondo, Maynila noong Sabado.

Sa report ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-8:00 ng umaga ng madatnan ng lolo niya ang nakabigting katawan ni Merly sa 3rd floor ng kanilang bahay.

Nauna rito, nagtataka ang lola ng ginang dahil hindi na niya nakikita na madalas ang apo na dati’y tuwing umaga nagpupunta sa kanya.

Inisip na lang ng lola na baka may sakit kaya minabuti niyang puntahan ang kuwarto ng biktima kung saan ito nakatira.

Nang buksan ang pinto, laking gulat ni lola nang madiskubre na nakabigti na ang apo gamit ang electrical cord.

Agad na tinawag nito ang dalawang apo na lalaki at inutos na kalagan sa pagkakatali sa leeg ang biktima.

AUTHOR PROFILE