Default Thumbnail

Lola magsisimba nasalpok ng motor diretso sa langit

December 10, 2023 Melnie Ragasa-limena 393 views

DEAD-on-the spot ang 76-anyos na lola na magsisimba sana pero nasalpok ng motor habang tumatawid sa Quezon City noong Linggo.

Matinding injuries sa ulo at katawan ang timano ng biktimang si Erlinda Blanza Bejo kaya namatay, ayon sa imbestigasyon.

Agad namang inaresto ang suspek na si Wilfrido Osca Uy Miranda, 22, driver ng Suzuki (PCC 310).

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 3, bandang alas-5:30 ng umaga nang maganap ang aksidente sa northbound ng Katipunan Ave. sa kanto ng Escopa II Libis St., Brgy. Escopa II, Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Jomar Apongao ng Traffic Sector 3, binabaybay ng rider ang Katipunan Avenue galing sa Col. Bonny Serrano Ave. papunta sa Aurora Boulevard nang maganap ang aksidente.

Pagdating sa nabanggit na lugar, hindi na nakaiwas ang rider nang makita ang lola na tumatawid kaya nasalpok ito.

Tumilapon ang biktima at dinala sa ospital habang inaaresto naman ang rider.

Hindi akalain ng mga kaanak ng lola na hindi na ito makakabalik pa sa kanila matapos na magpaalam na magsisimba,

Inihahanda na ang isasampang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa rider.