Default Thumbnail

Lola, 71, nagtapos ng elementarya

July 13, 2023 People's Tonight 314 views

ISANG 71-anyos na lola ang nagtapos ng elementarya sa Taguig City Huwebes, Hulyo 12.

Si Lola Ellen Rivera ay nagtapos sa Maharlika Integrated School.

Hinikayat ni Rivera ang kanyang mga kapwa senior citizen na huwag mahiyang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Nagpasalamat din ni Lola Ellen kay Taguig City Mayor Lani Cayetano dahil sa pagbibigay ng lokal na pamahalaan ng libreng gamit sa pag-aaral sa mga katulad niyang estudyante.

AUTHOR PROFILE