Default Thumbnail

Lola, 69, nakakulong na, inaresto pa sa ‘estafa’

May 9, 2023 Jonjon Reyes 311 views

NAHAHARAP sa kasong “estafa” ang isang 69-anyos na matandang dalaga makaraang ilatag ang arrest warrant sa loob ng Tarlac Provincial Jail sa Dolores Street, Tarlac City umaga nitong Lunes.

Ang suspek ay residente ng Cantoria Uno Luna, La Union, Pangasinan.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District (MPD) Malate Police Station (PS) 9, bandang 10:30 ng umaga (Mayo 8), nang isilbi ang arrest warrant sa suspek sa loob ng Female Dormitory sa Tarlac Provincial Jail sa nasabing lugar.

Dahil sa patuloy na pagpapairal ng programa ni “The Game Changer General” P/BGen. Andre P. Dizon, direktor ng MPD, ang “Oplan Saliksik” at “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), natunton ang suspek sa loob ng nasabing kulungan.

Isa sa mga tauhan ni Tangdol sa pangunguna ni P/Capt. Jose Rics Morelos, ang naghain ng warrant of arrest na inisyu ng Municipal Trial Court, Rosales Pangasinan na may petsang Agosto 14, 2020 sa naturang kaso na may inilagak na piyansang P18,000.

AUTHOR PROFILE