Default Thumbnail

Lola, 66, pinatay ng magnanakaw

October 17, 2021 Gil Aman 531 views

ISANG 66 anyos na lola ang hinihinalang pinagnakawan saka pinatay ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Mamatid, Cabuyao,Laguna.

Base sa ulat ni PLt. Col. Brigido Salisi, hepe ng Cabuyao City Police, nakilala ang biktimang si Angelina Cruz Villarico, residente ng nasabing lugar.
Ayon sa isinagawang pagsisiyasat ni PSMS John Mangahis, may hawak ng kaso, dakong 8 a.m. ng Biyernes ng madiskubre ng kanyang anak ng biktima ang kanyang bangkay sa loob ng kanilang bahay.

May tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang lola dahilan ng maaga nitong kamatayan.

Nabatid pa sa pulisya na maaaring nagawa pa umanong manlaban ng biktima habang nag-iisa sa kanyang tirahan.

Batay na rin ito sa nakitang mga sugat sa mga kamay ng biktima.

Hinihinalang pinaslang ang biktima dahil nawawala ang mamahaling cellphone ng biktima.

Kaugnay nito, patuloy na kinikilala ng pulisya ang suspek na responsable sa naganap na krimen na posibleng may kaugnayan sa negosyo ng biktima na small lending business sa lugar.

AUTHOR PROFILE