Loinie

Loisa at Ronnie, nanganganib ang relasyon

October 15, 2022 Ian F. Fariñas 262 views

Nanganganib ang relasyon nina Jane (Loisa Andalio) at Edward (Ronnie Alonte) dahil sa lumalalim na sigalot sa pagitan nilang dalawa. Kaya pa ba nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan o wala na nga ba itong pag-asa?

Abangan ang “pamatay na ending” sa huling tatlong linggo ng Love in 40 Days, gabi-gabi, sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Tuluyan nang nakipaghiwalay si Edward kay Jane matapos nitong tanggihan ang alok niyang magpakasal at nang matuklasan niyang iniimbestigahan pa rin ni Jane si Andrea (Mylene Dizon), ang nanay ni Edward.

Wala pa ring kamalay-malay si Edward sa patung-patong na mga krimen ni Andrea at hanggang ngayon ay pinipilit pa rin ni Andrea na inosente siya at gusto lang siyang siraan ni Jane.

Ngayon na nawala ang tiwala ni Edward kay Jane, kailangan nitong makahanap ng matibay na ebidensya na magpapatunay na si Andrea nga ang mastermind ng isang sindikato at na siya rin ang may pakana sa tangkang pagpatay kay Jane noon.

Sa kabila ng matitinding pagsubok, umaasa naman si Jane na maniniwala si Edward sa kanya dahil nalaman na ni Jane na ang totoong ina ni Edward ay si Ofelia (Janice de Belen), ang matagal nang kasambahay ng pamilya ni Edward.

Ilang taon nang inisikreto ni Ofelia ang totoo niyang identidad at sila lang ni Andrea ang may alam ng buong katotohanan.

Magka-happy ending pa kaya sina Jane at Edward? Malalaman na ba ni Edward kung sino ang totoo niyang nanay?

Huwag palampasin ang pamatay na ending ng Love in 40 Days, gabi-gabi, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

AUTHOR PROFILE