Lodging quarters, isasara – NAIA

January 20, 2022 Jun I. Legaspi 104 views

PANSAMANTALANG isinara agad ang lodging facilities ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawang foreign tourists na temporary tumutuloy dito.

Ayon sa NAIA Terminal 1 Operation na siyang humahawak sa facility, ang hakbang ay isinagawa agad matapos matanggap ang advisory mula sa Bureau Of Quarantine (BOQ) para sa kaligtasan ng lahat.

Ayon kay Apolonio Mendoza ng NAIA Terminal 1 Operation, ang dalawang nag-positive sa COVID-19 ay agad na dinala sa isang hotel sa Quezon City, ayon na rin sa abiso ng BOQ at kung ano ang mga hakbang na kanilang gagawin.

Agad nag-disinfect ng buong lodging facilities at 10 airport employees kasama ang 10 staff ay isinailalim na rin sa sampung araw na quarantine at obserbasyon.

Ang passengers lodging facilities ay transit hotel para sa mga temporary passengers na naka-check-in ay pawang na hinarang na rin ng Bureau of Immigration dahil sa mga questionable travel documents kaya habang hinihintay ang kanilang flights pabalik sa kanilang bansa ay pansamantala muna silang naka-check-in sa NAIA passengers lodging facilities.

Sa hiwalay na interview, sinabi ni Connie Bungag, Manila International Airport Authority (MIAA) Public Affairs Head, regular ang ginagawang disinfectant sa lahat ng facilities ng airport para masiguro ang kalinisan bilang health at safety protocol.

AUTHOR PROFILE