‘Local showbiz will never be the same without Mother Lily’
THE local showbiz industry will never be the same without Mother Lily Monteverde na iniwan na ang mundong pinakamamahal nitong Linggo ng umaga.
Ang kanyang mission at vision para sa industry ay walang kapantay.
Nakakagulat lang dahil pumanaw si Mother ilang araw matapos ang libing ng asawa niyang si Father Remy Monteverde.
Nababanggit ni Mother sa mga malapit sa kanyang press kung gaano niya kamahal si Father. May mga ginagawa siya upang makita at maging malapit sa dating basketbolista.
But that’s all water under the bridge now dahil magkasama na sila ng mahal niya sa buhay.
Mula sa humble beginnings niya hanggang sa maging icon sa movie industry, hindi agad mabubura ang kontribusyon ni Mother at ang pagiging mabait, mapagbigay at mapagmahal na ina sa mga anak at apo na mahal na mahal niya.
We will miss you, Mother Lily and we love you!!!
SECURITY REASONS UGAT NG KANSELASYON
SECURITY reasons daw ang dahilan kung bakit nakansela ang showing ng GMA Public Affairs docu-film na “Lost Sabungeros” na isa sa listahan ng mapapanood sa ongoing Cinemalaya.
Delikado ang isyu ng mga nawawalang sabungero na umabot na sa Senado ang imbestigasyon at hustisya ang sigaw ng malalapit sa still missing sabungeros.
May malalaki at impluwensiyal na taong isinasangkot sa isyu.
Nagawa kayang isiwalat ito ng GMA Public Affairs kaya kinansela ang showing?
Gaano ito katapang? Sana, maipalabas na ito, huh!