John Lloyd

Lloydie, nagbalik-shobiz para kay Elias

July 31, 2021 Vinia Vivar 351 views

Inamin ni John Lloyd Cruz na isa sa mga dahilan kung bakit siya nagbalik sa showbiz ay dahil sa anak nila ni Ellen Adarna na si Elias.

Sa kanyang panayam with Karen Davila for her new podcast, natanong ang aktor kung bakit ngayon niya na naisipan na bumalik sa showbiz.

Dagdag pa ng broadcast journalist, siguro naman daw ay hindi dahil sa pera bilang nakapag-save naman siya.

“Don’t get me wrong, ha, parang hindi naman masama na magkaroon ng desire kumita specially ’pag mayroon kang lumalaking bata. And more than that, gusto kong makita ‘ko ng anak ko na nagtatrabaho,” sabi ni Lloydie.

Asked kung ‘yun ba ang primary reason or nagtulak sa kanya, pag-amin ng aktor, “Malaking parte ‘yun ng desisyon.”

Dagdag pa ni Lloydie, “And gusto kong malaman kung paano ‘yung ngayon, kung paano makipagdiskurso ngayon sa sarili mong audience.”

Natanong din siya kung ito na ba ang bagong Lloydie ngayon at aniya, “Again, nakapaloob pa rin ako sa isang journey, and I don’t really take note of what’s the new you or what’s new or not or what’s old, what’s vital. I can’t say for sure, mahirap, eh. Gusto ko lang siyang mag-unfold on its own. Kung ‘eto na ‘yun, so be it. I think, ang mas importante is ‘yung ano ba ‘yung magagawa? Sino ba ang gustong makipag-collaborate? Sino ba ang gustong makipag-discourse.”

Sa huli, ani Lloydie sa dahilan ng kanyang pagbabalik, “I wanted to dream again, sobrang cliché but it’s true. I like that feeling. Na when you’re hungry for something, you dream of… ’di ba? And I wonder kung ano ang mga dream ko ngayon.”

AUTHOR PROFILE