Ellen

Lloydie ipinagtanggol ni Ellen

June 19, 2024 Vinia Vivar 179 views

Ipinagtanggol ni Ellen Adarna ang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz sa isang pakialamerang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram account.

Sa IG post ni Ellen na moving up photo ng anak nila ni Lloydie na si Elias ay makikitang kasama ng mag-ina ang asawa ng aktres na si Derek Ramsay.

Wala sa larawan si JLC na understandable naman.

Isang netizen ang nagkomento na dapat ay nandu’n din si Lloydie. Hindi ito nagustuhan ni Ellen at ipinagtanggol niya ang ama ni Elias.

Aniya, hindi porke’t wala sa litrato ay absent na ito sa okasyon.

Nilinaw niya na present father si Lloydie at lagi itong naroroon sa milestones ng anak.

“AND YOU SHOULD MIND YOUR OWN BUSINESS. just because hes not in the photo doesnt mean he was not there. Wag masyadong close minded manang. Present father naman cya meaning present din cya sa lahat ng milestones ng anak nya,” ang bonggang sagot ni Ellen.

Noon pa naman sinasabi nina Lloydie at Ellen na maganda ang co-parenting set-up nila kay Elias at anytime ay nahihiram ng aktor ang bagets.

Nabanggit na rin ni Ellen sa isang panayam na regular na nagsusustento si JLC sa kanilang anak.

Maging si Derek ay nirerespeto ang pagiging ama ni Lloydie kay Elias at wala silang anumang problema tungkol dito.

AUTHOR PROFILE