Luis

Lloydie at Luis, labanan ng memes

January 7, 2022 Ian F. Fariñas 173 views

JLCUMIRAL na naman ang creativity ng mga Pinoy nang magkaubusan ng paracetamol sa mga drugstore kamakailan.

Ang mga netizen, nagsigawaan ng memes ni John Lloyd Cruz na umano’y nagdadamot ng isang sikat na brand ng paracetamol.

Endorser ba ng barnd si Lloydie, IF? (Yes, JN — IFF)

At heto pa ang isang meme and this time, si Luis Manzano naman ang ginawan ng netizens.

Kasi nga, nagdadamot daw si JLC ng paracetamol kaya humingi sila ng saklolo kay Luis.

Endorser ng isa ring brand ng paracetamol si Luis kaya ang resulta, labanan ng memes sina John Lloyd at Luis!

Sa halip na mainis ang karamihan sa ginawang memes ng mga Pinoy, in-enjoy na lang nila ito at pinagpasa-pasahan, huh!

JO BERRY, NAGDALAWANG-ISIP GAWIN ANG AFTERNOON SERIES

HULING project na naisara ng brother-manager ni Jo Berry na si Perry Berry Jr. ang Kapuso afternoon series na Little Princess.

Ayaw sanang gawin ito ni Jo dahil hindi lang kasi ang brother-manager niya ang pumanaw kundi pati ang tatay at lolo niya nu’ng nakaraang taon.

“Pero kailangan kong gawin para may maikuwento ako sa panahong tawagin na ako sa heaven,” rason ni Jo sa virtual mediacon ng Kapuso afternoon series.

Malaking tulong para kay Jo ang paggawa ng Little Princess dahil nakapagpapawi ito ng lungkot niya nu’ng mawala ang mga mahal sa buhay.

AUTHOR PROFILE