LJ

LJ, walang bitbit na ‘friend’ sa NYC

September 13, 2021 People's Tonight 221 views

RUMAMPA na si LJ Reyes sa New York City nitong nakaraang mga araw.

Spotted si LJ na event ng New York Fashion Week. Naglabasan ang fashionista niyang awra sa social media, huh!

Walang kasama si LJ na friend unlike Paolo Contis na bitbit sa Baguio City si Yen Santos, huh!

ARA, HALOS ISANG BUWAN INIWAN SI DAVE

NAKAILANG kaarawan na ang asawa ni Ara Mina na si Dave Almarinez na lagi niyang kasama ang asawa niya.

Ngayong taon lang absent si Ara sa birthday ni Dave last August 29 dahil nasa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano ang aktres.

Pero ayon kay Dave, nairaos niya ang kanyang kaarawan kahit may kulang.

“Wala kasi ang bebe ko. Kailangan niyang bumalik sa trabaho at naiintindihan ko naman. Kailangan na rin naming pag-ipunan ang nasimulan naming pamilya.”

Ang ikinagulat ng PITC boss, may dumating na mga pagkain with matching lechon na plinano na pala ng asawa bago bumalik sa taping.

“Akala ko, video call lang kami. May hawak akong cake na ibu-blow at kakantahan niya ako. Natutuwa ako dahil naalala niya ang birthday ko kahit may trabaho siya,” pahayag ni Dave.

Halos isang buwan sa lock-in taping si Aras sa malayong probinsiya kaya si Dave muna ang magiging “yayo” kay Mandy, anak ni Ara, na kasamang nagsasayaw ni Dave sa Tiktok. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE