LJ magtatagal pa sa New York

November 14, 2021 Aster Amoyo 90 views

HANGGANG ngayon ay nasa New York City, USA pa rin ang Kapuso actress na si LJ Reyes kasama ang kanyang dalawang anak na sina Aki (Ethan Akio) – 11 (sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino) at si Summer Ayana – 2 (sa kanyang huling partner na si Paolo Contis). Si Summer ay magti-three years old sa January 4, 2022.

Lumipad patungong New York ang aktres bitbit ang dalawang anak nang magkahiwalay sila ni Paolo Contis in late August this year.

Malamang na sa Amerika na rin magpalipas ng Pasko at Bagong Taon si LJ at kanyang dalawang anak kapiling ang kanyang ina at kapatid na sa New York naka-base. Baka doon na rin i-celebrate ang 3rd birthday ni Summer on January 4.

Kung pagbabasehan ang posts ni LJ sa kanyang Instagram account, mukhang nakapag-move on na siya sa break-up nila ng dating partner of six years na si Paolo.

Samantala, kahit matagal nang hiwalay ang aktres sa ama ng kanyang panganay na anak na si Aki na si Paulo Avelino, nananatiling magkaibigan ang dalawa dahil na rin sa kanilang anak na malapit nang maging tinedyer. Hindi pa masabi sa ngayon ni LJ kung magiging magkaibigan sila balang araw ng ama ng kanyang bunso na si Summer na si Paolo.

DerekDerek at Ellen nagawang very private ang kasal

KAHIT parehong taga-showbiz ang bagong kasal na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, kakaunti ang showbiz personalities na namataan sa sunset garden wedding ceremony ng couple sa Rancho Bernardo Luxury Villas in Bagac, Bataan. Naroon ang best friend ni Ellen na si Beauty Gonzales at ang kanyang anak na si Olivia ay isa sa tumayong flower girls along with Dra. Vicki Belo and Dr. Hayden Kho’s daughter na si Scarlet Snow Belo. Namataan din doon ang Concert Queen-turned concert and movie producer na si Pops Fernandez na siya namang kasama ng manager ni Derek na si Joji Dingcong. Naroon din ang prominent businessman at politician na si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis `Chavit’ Singson na isa sa mga tumayong godparents along with Dra. Vicki Belo.

Nasunod ang plano ng mag-asawang Derek at Ellen na maging simple but elegant and intimate ang kanilang wedding with only their respective families, close friends and principal sponsors and wedding entourage in attendance. Naroon din ang respective sons nina Derek at Ellen na sina Austin Ramsay (18) at Elias Modesto Adarna Cruz (3) na siyang tumayong ring bearer.

After the wedding, kailan naman kaya nila babalikan ang kanilang showbiz career?

Showtime‘It’s Showtime,’ may bagong direktor at co-host

DAHIL ginawa na ring co-director ang actor-director na si John Prats sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” hindi na nito ipagpapatuloy ang pagdidirek ng noontime program ng ABS-CBN na “It’s Showtime” now celebrating it’s month-long 12th anniversary. At sa halip, opisyal nang uupo as director ng “It’s Showtime” si Jon Moll na ipinaalam ni Vice Ganda sa viewers ng noontime program. Bukod sa bagong director ng programa, Vice also welcomed to the show their newest member, si Ogie Alcasid. Si Ogie ang pansamantalang humalili kay Vice Ganda nang ito’y pansamantalang mawala sa noontime show for his month-long successful concert sa Amerika, his first sa gitna ng pandemya. Naibigan ng management at manonood ang paghu-host ni Ogie kaya ginawa na itong regular co-host ng “It’s Showtime”.

Simula ngayong araw ng Lunes, November 15 ay araw-araw nang mapapanood sa telebisyon ang mister ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid dahil Monday hanggang Saturday ay mapapanood siya sa “It’s Showtime” habang nasa “ASAP Natin `To” naman siya sa araw ng linggo.

Bukod kay Vice Ganda, malugod ding tinanggap si Ogie ng iba pang mga kasamahan sa programa na kinabibilangan din nina Vhong Navarro, Karylle, Amy Perez, Ryan Bang, Kim Chiu, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz at iba pa gayundin ang loyal viewers ng programa.

VilmaVilma haharapin ang pagdidirek

STAR for all Seasons-turned politician Vilma Santos will have a chance na balikan ang acting when her second term as representative ng lone district ng Lipa, Batangas ends next year. Pahinga muna siya sa pulitika na halos 24 years niyang kinabilangan.

This pandemic has taught her a lot of things lalupa’t most of the time ay nasa bahay lamang siya (work from home). Ang isa sa mga natutunan ni Vi ay ang pagba-vlog sa tulong ng kanyang anak na si Luis Manzano. Ngayon ay ini-enjoy umano niya ito na hindi niya inakalang magagawa niya.

Ang isa pang pangarap ni Vi na gusto niyang matupad hopefully next year ay ang pagdidirek ng pelikula tulad ng yumaong si Marilou Diaz-Abaya at ng actress-director na si Laurice Guillen.

Ex BatallionEx Battalion may malaking concert sa Araneta

WITH over four million subscribers on their YouTube channel, ang sikat na hip-hop group na Ex-Battalion is up for a big surprise sa kanilang mga fans when the group (with 14 members) holds their very first digital concert entitled “EvoluXion” at the Smart Araneta Coliseum on December 11, 2021 at 8 p.m. which will stream live on ktx.ph. Frontrow Entertainment bosses RS Francisco and Sam Versoza are producing the concert with Ex-Battalion as co-producers.

Si Jon Corpuz ang tatayong concert director habang si Raul Mitra naman ang musical director.

Tatagal ng dalawang oras at kalahati ang digital concert ng grupo which will be pre-taped before the streaming on December 11.

Although hindi pa allowed ang live concerts with audience, sa Big Dome (Smart Araneta Coliseum) gaganapin ang kanilang concert kahit walang audience with a full band backing them up. Ito’y para makita at maramdaman ng mga manonood na hindi tinipid ang concert ng Ex-B.

Kulang pa sa grupo ang almost three-hour concert, kaya wala nang kinuhang special guest with their string of hits na pinangungunahan ng “Hayaan Mo Sila” along with “Ikaw Kase,” “No Games,” “Tell Me,” “Kakaiba,’ “Need You,” “Bootyful,” “Come with me,” “Di Ako Fuckboy,” “Southboy,” “Follow My Heart,” “Ikaw Kase,” “Ginalingan,” “Singsing,” “Sama-Sama,” “So In Love” at iba pa.

The digital concert tickets of Ex-Battalion’s “EvoluXion” ay mabibili na sa halagang P300, P500, P750, P1,250, P2,000, P20,000 at P35,000 with different troop packages.

The first ever digital concert ng Ex-Battalion na “EvoluXion” ay nagsisilbing ring reunion ng mga past and present members ng grupo now numbering to 14.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE