LJ

LJ, engaged na sa non-showbiz boyfriend

May 30, 2023 People's Tonight 335 views

LJ1Ikinatuwa ng mga netizen ang bagong Instagram post ni LJ Reyes na nagpapakitang engaged na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Sa naturang IG post, Bible verse ang ginamit na caption ng aktres: “For I know the plans I have for you,’ says the Lord, ‘they are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope. Jeremiah 29:11 NLT.”

Pulos positibong komento ang inani nito mula sa netizens na labis na natuwa sa latest update sa lovelife ng aktres.

“Congratulations, LJ, a well deserved happiness knowing that there’s someone you can grow old with for the rest of your life…,” saad ng isang netizen

“Every girl deserves a man who will love her unconditionally,” komento pa ng isang follower ni LJ.

Maging ang mga kaibigang celebrity ng dating Kapuso actress ay nag-congratulate sa development na ito sa buhay ng kanilang kaibigan.

Kabilang na rito sina Marian Rivera, Camille Prats, Iza Calzado, Carla Abellana, Ryza Cenon, Andrea Torres, Kaye Abad, Sheena Halili, Joyce Ching, Nikki Valdez, Gary Valenciano, Valeen Montenegro, Nadine Samonte at marami pang iba.

Matatandaan na tumakbo si LJ sa Amerika matapos makipaghiwalay sa dating live-in partner niyang si Paolo Contis a few years back.

May dalawang anak ang aktres, sina Aki (anak niya sa unang boyfriend na si Paulo Avelino) at Summer (anak nila ni Paolo). PAUL BACON (OJT)

AUTHOR PROFILE