LJ

LJ, ’di pa napapatawad si Paolo

October 14, 2021 Vinia Vivar 155 views

Mukhang unti-unti nang nakaka-move-on si LJ Reyes sa hiwalayan nila ni Paolo Contis.

Nagbigay siya ng update sa GMA-7 via a video interview at makikita sa aura ng aktres na happy siya’t may peace of mind na.

Ibinalita niyang nakakapag-adjust na sila ng dalawa niyang anak na sina Aki at Summer sa US.

“They’re adjusting very well. Aki goes to face to face class here para naman ma-experience niya ang normal na buhay ulit,” pagbabahagi ni LJ.

Busy ang aktres ngayon sa pagtulong sa family restaurant nila sa Brooklyn at nagpapasalamat sa suporta ng pamilya sa kanyang pinagdadaanan.

Damang-dama rin daw ni LJ ang suporta sa kanya ng Filipino community roon.

“Wala pang dumating dito na Pinoy na nagtanong sa ‘kin or mentioned anything about my personal life,” aniya.

“Ang sinasabi nila, ‘We’re so happy na nakita ka namin. We want to let you know that we support you,’” dagdag pa ni LJ.

Sinabi rin ng aktres na talagang ang Diyos ang kinakapitan niya para bigyan siya ng lakas.

“I’ve always been vocal about it that if it weren’t because of God, ‘yung binibigay sa ‘king strength ni God, it wouldn’t have been possible. ‘Di ko rin inakala na nandito na kami,” she said.

Pero mukhang hindi pa handa si LJ na patawarin si Paolo.

Aniya, hindi madaling ibigay ang pagpapatawad.

“Forgiveness is a work in progress. Hindi madaling ibigay ang forgiveness. I mean lahat naman tayo, we get hurt, angry, but you work on it everyday to forgive people. To forgive maybe yourself, or whoever. You pray about it.

“For me, hindi kasi siya madaling bagay na ibigay so surrender lang talaga kay God and I’m working on it,” saad ng aktres.

AUTHOR PROFILE