LJ

LJ buntis sa pang-apat na anak

July 13, 2022 Aster Amoyo 487 views

PAGKATAPOS ng kanyang second miscarriage, L.A.-based actress LJ Moreno (Lari Jeanne Lacsamana Ricafort-Alapag) is now 13 weeks pregnant sa magiging pang-apat nilang anak ng kanyang retired basketball player-turned coach husband na si Jimmy Alapag.

Their eldest is their adopted son, Ian and they have their two biological kids – Keona and Calen.

LJ had her first miscarriage in September 2020, the month they migrated to the U.S. followed in December 2021.

Si LJ ay pamangkin ng actress at dating politician na si Alma Moreno na ang real name ay Venessa Moreno Lacsamana.

Pagpanaw ng comedian-director na si Philip Lazaro nakabibigla

ISA na namang malungkot na balita ang bumulaga nung Lunes, July 11 nang sumakabilang-buhay ang 52-year-old stand-up comedian-turned actor-director na si Philip Lazaro due to multiple organ failure.

Si Phi (tawag sa kanya) ay nagsimula bilang isang stand-up comedian sa The Library comedy bar at nakapagtanghal din siya sa Klownz at Zirkoh bago nagsara dahil sa pandemic. Ang dalawang nasabing comedy bar ay pag-aari ng singer-comedian at TV host na si Allan K.

Si Philip ay naging bahagi ng classic TV series ng GMA na “Villa Quintana” at “Anna Karenina” at naging second unit director ng season 2 ng “Prima Donnas”. Naging assistant director din siya sa ilang serye ng Kapauso Network tulad ng “Full House Tonight” in 2017, “Bawal na Game Show” in 2020, “Nagbabagang Luha” in 2021” at “Widow’s Web”. Lumabas din siya sa “Contessa” TV series at sa drama anthology na “Magpakailanman” ni Mel Tiangco.

ZiaZia1Dolphy

Zsa Zsa nasa Serbia para sa kasal ng anak

KASALUKUYANG nasa Serbia (bahagi ng Europe) ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla para sa wedding ng kanyang bunsong anak na si Zia Quizon (sa namayapang comedy king nasi Dolphy) sa fiancé nitong nagngangalang Aleksa.

“Travelled to be with my bunso (Zia) on her special ! Took the evening flight to Istanbul then connecting flight to Belgrade. Zia and fiancé Aleksa and his Dad came to pick me up at the airport. Took another (three-hour) ride to Nis, Serbia. So here I am, jetlagged but super happy! Can’t wait to meet the rest of the family!” pagbabahagi ni Zsa Zsa.

Bago lumipad si ZsaZsa patungong Serbia ay dumalaw pa ito sa puntod ng Comedy King on his 10th death anniversary last Sunday, July 10.

“10 years. Seems like only yesterday when we lost you, but the joy you’ve given will be in our hearts forever. Dolphy, you are greatly missed. Thank you,” post ni Zsa Zsa sa kanyang Instagram.

Nag-post naman si Zia ng picture kasama ang kanyang dad Dolphy with matching poem na kanyang ginawa.

Zia (30) was in a long relationship with singer, songwriter and musician na si Robin Nievera (35) bago sila nagkahiwalay a couple of years ago. Robin is now based in L.A.

Zsa Zsa travelled to Serbia all by herself na hindi kasama ang kanyang present partner na si Arch. Conrad Onglao. At hindi rin niya kasama ang isa pa niyang daughter (her adopted, with Dolphy) na si Nicole na nagtapos ng Anthropology & Linguistics in Australia.

Nadine sanay na sa simpleng buhay sa Siargao

MUKHANG “Island Girl” na rin ang singer-actress at celebrity endorser na si Nadine Lustre dahil mas madalas na itong nagi-stay sa Siargao Island kung saan naka-base ang kanyang Filipino-French boyfriend na si Christophe Bariou na nagma-may-ari ng isang resort doon.

Bago si Nadine ay naunanang nag-relocate sa Siargao ang aktres na si Andi Eigenmann with her family.

Tulad ni Andi, sanay na rin doon sa simpleng buhay si Nadine tulad ng pagsakay sa tricyle at iba pang gawain sa isang isla tulad ng Siargao.

Samantala, humarap si Nadine sa isang face-to-face story conference para sa kanyang upcoming movie under Viva Films, ang horror, suspense-thriller na “Deleter” where she plays the role of Lyra, isang online content moderator. Ito’y pamamahalaan ng mahusay na young director na si Mikhail Red. Kasama rin sa naturang pelikula sina Louise de los Reyes at McCoy de Leon.

Pokwang

Pokwang: Hindi masamang tao si Lee

KLINARO ng singer-actress at komedyana na si Pokwang na wala umanong third party sa kanilang hiwalayan ng kanyang partner of almost seven years, ang part-time American actor na si Lee O’Brian. Maayos umano ang kanilang paghihiwalay at malaya nitong nadadalaw ang kanilang four-year-old daughter na si Malia sa kanyangbahay.

Ipinagtanggol din ni Pokwang ang dating partner na hindi ito masamang tao.

Sa mahigit anim na taon nilang pagsasama, isang beses nagkaroon ng miscarriage si Pokwang bago lumabas si Malia.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE