Liza

Liza, walang fb account

May 19, 2021 Vinia Vivar 169 views

Inireklamo ni Liza Soberano ang poser niya sa Facebook na nag-post ng maling impormasyon.

Post ng poser ng aktres na “Liza Soberano” rin ang ginamit na user name, “pag si Rabiya talaga ‘di maiuwi ang crown, ako talaga sasali next year.”

Pati profile photo nito ay larawan din ni Liza kaya naman pwede talagang marami siyang magoyo. Kaya naman kaagad naglabas ng paglilinaw ang aktres na wala siyang FB account.

“Hello everyone! Just dropping by to say that I DO NOT have a facebook account. This account has been posing as me and has been making very questionable and detrimental statements.

“Please help me spread the word and report this account,” ang statement ni Liza sa kanyang IG Story.

Kasunod nito ay muli niyang nilinaw na wala siyang balak sumali sa beauty pageant.

“As much as I’m flattered and grateful for all of your support and comments saying that I should give Miss Universe a try, I really don’t think it is for me. I’m introvert and stages with a huge audience scare me half to death (as ironic as it may sound),” pahayag ni Liza.

Maging ang manager ng aktres na si Ogie Diaz ay nagbigay din ng paglilinaw sa kanyang FB page tungkol sa poser at sa Miss U issue.

AUTHOR PROFILE