Liza Soberano

Liza, na-intimidate sa Hollywood co-stars

August 27, 2022 Vinia Vivar 380 views

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Liza Soberano na natupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng Hollywood movie.

Kasama ang aktres sa horror-comedy Hollywood film na Liza Frankeinstein at nakapagsimula na ng shooting sa New Orleans, Louisiana sa US.

“I’ve had about six or seven days of filming already,” kwento ni Liza sa panayam ng TV Patrol.

Kasalukuyan daw siyang naka-break ngayon sa shooting at masayang-masaya ang aktres na nakuha niya ang role in just two days after the audition.

Ginagampanan ni Liza ang papel ng stepsister ng Hollywood actress na si Kathryn Newton.

Kasama rin niya sa movie ang Riverdale star na si Cole Sprouse.

Kwento ni Liza, ang direktor mismo ng movie na si Celda Williams (anak ng namayapang komedyante na si Robin Williams) ang nag-encourage sa kanya na mag-audition.

Nagpadala siya ng self-taped audition at matapos ang dalawang araw ay mayroon na agad magandang resulta.

Nasa South Korea raw siya nang tawagan siya ng isa sa kanyang managers at sabihing nakuha niya ang role.

“And then, I was like, ‘oh, my gosh!’ But the funny thing is, I’d like to downplay things in my head until I’m actually there in the moment. Because I don’t wanna get too excited and then, biglang mauudlot,” aniya.

Ibinahagi rin ni Liza na na-intimidate na siya agad hindi pa man niya nakikilala ang mga co-star.

“At first, I was definitely intimidated before I got to meet them because I didn’t know how they were going to be, I didn’t know how they were going to treat me.

“As soon as I got into it, it was as if I never took a break,” she said.

Masayang-masaya si Liza na matapos ang matagal na hindi pagharap sa camera, heto’t mayroon na siyang bagong project at Hollywood pa.

Happy din ang aktres na mapapanood na siyang muli ng kanyang fans na matagal na ring naghihintay na magkaroon ulit siya ng project.

“I’m really happy that a lot of people know that I’m working on this project now because my fans have been waiting for the longest time since 2022 from me to go back into acting.

“And so I’m happy that they finally have something to look forward to,” sey ni Liza.

LITUNG-LITO SA KATOTOHANAN

Litung-lito at parang pakiramdam ni Eloy (Daniel Padilla) na niloko siya ng kanyang mahal sa buhay nang malaman ang katotohanang lolo niya si Hugo (Ronaldo Valdez) sa 2 Good 2 Be True.

Matapos makita ang tunay na nararamdaman ni Hugo para sa kanyang ina, nagdadalawang-isip si Eloy kung talagang may kinalaman ang kanyang lolo sa nangyaring trahedya sa pamilya.

Samantala, nagdiriwang na si Helena (Gloria Diaz) matapos makumpirmang may sakit ang kapatid. Magtagumpay na kaya siyang agawin ang Horizon Grand?

Huwag palampasin ang mga susunod pang rebelasyon sa 2 Good 2 Be True at panoorin ito nang advance sa Netflix Philippines o iWantTFC.

Maaari rin itong subaybayan sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV at TFC IPTV.

AUTHOR PROFILE