Liza

Liza, magtatayo ng sales and distribution company ng Pinoy movies abroad

August 8, 2022 Ian F. Fariñas 248 views

MADE-DELAY pa rin ang pangarap ng mag-partner na Liza Diño at Ice Seguerra na magkaroon ng sariling baby kahit private citizen na ang dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Isa ito sa mga ibinahagi ni Liza sa isang thanksgiving dinner kasama ang officers and members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) kamakailan.

“Diyos ko, ayoko nang magsalita about that. Hindi, kasi siyempre, we have to be financially sound as well, so dadating ’yon. Siguro ngayon, siyempre, ang hirap. Pareho kaming, like ako, wala ako ngayong work, ’di ba? Mag-uumpisa pa lang kami ng company tapos si Ice parang bumabalik pa lang ngayon ’yung live events, ’yung mga project niya, so siguro I want us to make sure muna na we’re financially okay and then those can happen,” paliwanag ni Liza.

Sa ngayon, ninanamnam daw niya ang pagkakaroon ng sapat na oras kasama si Ice at ang anak na si Amara.

Nagbabawi siya sa pamilya matapos ang mahaba-habang panahon ng pagiging busy sa FDCP.

Matatandaan na matagal nang pangarap nina Liza at Ice na magkaroon ng baby. Pero lagi nga itong nauudlot dahil sa ka-busy-han ng una sa nasabing ahensya.

Ngayong mas libre na ang schedule niya, pati ang pagbabalik-artista ay napag-iisipan na niya.

Kwento ni Liza, “Oo naman, nagkita nga kami ni Direk Brillante (Mendoza). Ilang beses na niya akong tinanong at in-offer-an ng pelikula during my time at fdcp.”

Sa kanya pala unang inalok ang Verdict na pinagbidahan nina Kristofer King at Maxine Eigenmann na pumasok sa Venice at Cannes International filmfests at nagbigay kay Maxine ng best actress trophy mula sa 13th Asia Pacific Screen Awards Night.

That time, tinanggihan daw ni Liza ang proyekto, na tumatalakay sa domestic violence, dahil ayaw niya itong mabigyan ng ibang kulay.

Pero ngayon, siguro raw ay pwede na siyang umarte muli dahil gusto talaga niyang makatrabaho si Direk Brillante.

Ani Liza, “Kung gagawa ako ng pelikula uli, sana ’yun ’yung magpapalakad sa akin sa Cannes. Kasi six years akong nag-represent ng Pilipinas as Chair ng fdcp, never akong naglakad sa red carpet. Kasi sabi ko sa sarili ko, darating ’yung panahon and, I know hindi pa ngayon, hindi ko sinasabi na ganu’n ako kagaling, ha? Ang sinasabi ko lang, pwede naman tayong mangarap, ’di ba, na sana ’yung project na ’yon, it will allow me to walk the red carpet sa Cannes, ’di ba, as an actress and not as a government official. So it’s still a personal thing for me because I’m still an actress at heart. So, sana… sana… so ’yon.”

Bukod sa pagbabalik sa pag-arte, balak ding magtayo ni Liza ng isang kumpanya na hahawak sa sales at magre-represent ng Pinoy films abroad.

Aniya, “I wanna continue kung ano ’yung nakita kong kailangan nating gawin talaga na ipagpatuloy. For example, ’yung pag-support sa mga filmmaker natin, sa regions, tulungan sila sa mga pelikula nila specially right now ang pinaka-challenge ng industry natin is saan tayo magpapalabas? Sinong bibili ng pelikula natin? At pa’no pa gagawa ang mga producer natin ng pelikula kung wala namang pupuntahan ’yung mga pelikula?

“So, isa sa mga pinaka-gap sa Philippines is the sales and distribution of content. Actually, wala pang masyadong companies dito na ang ginagawa is to sell and distribute and represent our films in international.

“Si FDCP before, sila ’yung bahay, sila ’yung kung saan pwedeng mag-house ng pwedeng companies, ’di ba, pero ’yung mismong companies na nagre-represent in the sales and distribution of Filipino and Southeast Asian films, wala pa.

“Parang ano ka, eh, agent ka. Kumbaga, I will represent our Filipino films, yes, abroad. Ako ’yung makikipag-negotiate sa mga distributor para mas malaki ’yung value na ibigay nila sa mga pelikula natin. Ako ’yung magtsa-champion para ipakita kung bakit kailangan nilang bilhin sa ganu’ng halaga at hindi nila pwedeng tipirin ang pag ano nila…

“Maghahanap pa rin ng markets, saan pa ba pwedeng mabenta ang mga pelikula natin, ano pa kayang mga bansa ang pwedeng manood ng mga pelikulang meron tayo. Pati series din are big in other countries. I think if we take it to a regional level, hindi lang Philippines pero Southeast Asian cinema, there’s a potential for them.

“I’m excited about it, kasi feeling ko makakatulong pa rin ako kahit wala na ako sa FDCP.”

Ang kagandahan umano ng pagiging sales agent ay ang pakikipagtrabaho sa film producers habang ginagawa ang kanilang mga pelikula.

“Kinakausap mo na sila na ‘okay, ito ’yung hinahanap ngayon ni platform 1. So, pa’no natin siya gagawing very, very Filipino pa rin pero ’yung aesthetics mo, ito ’yung camera requirements nila, ito ’yung hinahanap nila technically. So, kumbaga, you’re already working with each of the film you represent. Sa FDCP, hindi mo pwedeng magawa ’yan kasi ano ’yon, eh, conflict of interest ’yon. So ito talaga, it’s a business, you have possible clients or projects na nire-represent mo. So may mga lumapit na sa akin,” pagbabahagi pa ni Liza.

Maliban sa mga nabanggit, magpapaka-misis din siya at susuportahan ang pagsabak ni Ice sa pagdidirek ng live events at film directing.

AUTHOR PROFILE