Liza

Liza ligtas sa mapinsalang wildfire sa L.A.

January 9, 2025 Vinia Vivar 69 views

Nagbigay ng update si Liza Soberano about her kaugnay ng nagaganap ngayong wildfire sa Los Angeles, California.

Sa kanyang Instagram Story ay in-assure ng aktres na okay siya at ipinaalam na wala siya sa LA at the moment.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga nangumusta sa kanya.

“Thank you to everyone who checked in on me. I’m okay. I’m not in LA as of the moment,” sey ni Liza.

Ipinaabot ng aktres ang kanyang concern sa friends niya na nasa LA and wished for their safety.

“But my heart goes out to all of my friends in LA. Praying for everyone’s safety,” ani Liza.

Hindi na sinabi pa ng aktres kung nasaan siya ngayon.

Samantala, as of presstime, ayon sa report ng Los Angeles Times ay lima na ang namamatay at more than 2,000 structures na ang nasunog sa wildfire na mabilis na kumakalat sa Los Angeles County simula pa noong Martes ng gabi.

AUTHOR PROFILE