Liza bet mag-produce ng horror movie
WISH ni Enrique Gil na makatrabaho pa rin ang (ex?) girlfriend na si Liza Soberano. Gusto nga sana niyang makasama si Liza sa pagiging co-producer niya sa festival entry na “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital” dahil gaya niya, eh, mahilig din ang actress sa horror films.
“But she’s focused in the US, ang dami niyang auditions and events. But when she comes back, we’ll definitely talk about the story.
“We were just talking the other day and said she’s interested sa horror. She also had a production company there. Eventually, mag-collab kami,” pahayag ni Enrique.
Bago ang collab nila ni Liza, may gagawin siyang teleserye sa ibang bansa. But this Christmas, dito nga siya sa bansa dahil sa festival unlike before na nasa abroad kasama ang pamilya.
May ispekulasyon na hiwalay na sina Liza at Quen pero nang tanungin namin ang actor, “I am very happy,” at walang sinabing solo siya ngayon.