Doromal Pinangunahan ni PCol.Wilson Doromal, RFSO2 chief, ang pag gawa ng mga cupcakes at mga cake na maaring maging pang kabuhayan ng mga kababaihan at ng mga maybahay ng kapulisan matapos sa isinagawang livelihood program sa tulong ng TESDA at Sikap Inc. Kuha ni JONJON C. REYES

Livelihood program isinagawa para sa kababaihan, maybahay ng kapulisan

August 23, 2023 Jonjon Reyes 574 views

NAGSAGAWA ng livelihood program ang pamunuan ng Regional Finance Service Office 2 (RFSO2) sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Wilson L. Doromal Chief ng Regional Finance Service Office (RFSO2) at sa tulong ng TESDA para sa ilang mga kababaihan kabilang ang mga maybahay ng mga kapulisan na nakatalaga sa Police Regional Office 2 sa Tuguegarao, Cagayan valley.

Layunin ng programa ng mga kapulisan ang magkaroon ng dagdag na kaalaman at mabigyan ng kabuhayan ang bawat kababaihan upang makatulong ito sa pang araw araw na pangangailangan ng kani-kanilang pamilya,

Kabilang naman sa mga kalahok ay ang mga membro ng SIKAP sa pamumuno ni Cherry Moriones Doromal, National Founding Chairman and President. Ang Sama-samang Ilaw ng Kapulisan Inc. (SIKAP Inc) ay organisasyon ng mga asawa ng mga PNCOs and Officers na naglalayon na magkaisa para sa pagtataguyod ng maayos na buhay at pamilya ng mga pulis.

Ayon pa kay PCol.Doromal, nais nilang palawakin ang nasabing livelihood program para sa kalapit na lalawigan tulad ng Batanes,Cagayan,Isabela Nueva Vizcaya at Quirino Province.

AUTHOR PROFILE