Little casino sa loob ng sementeryo sinalakay

September 1, 2021 Francis Naguit 143 views

ARESTADO ang tatlong katao na nagsasagawa ng bolahan ng EZ-2 sa loob mismo ng Manila North Cemetery (MNC) sa Sta.Cruz, Maynila.

Sa ulat mula kay P/Col John Guaigui , hepe ng MPD-PS 3, inaresto ng mga tauhan ng Blumentritt PCP ang mga suspek alas 5:45 Lunes ng hapon sa 9th Street, harap ng Mausoleums sa loob ng Manila North Cemetery.

Kinilala ang mga suspek na sina Marietta Basa y Reyes, 50, bet collector; Armando Saragoza, 44, at Manuel Balagtas,52, EZ-2 operator at kapwa mga nakatira sa loob ng sementeryo.

Bago isagawa ang operasyon, nakatangap ng impormasyon ang mga operatiba ng PS-3 hinggil sa nangyayaring iligal na aktibidad sa sementeryo.

Agad namang nakipag-ugnayan ang follow-up operatives ng PS3 sa District Intelligence Division, District Special Operating Unit at Blumentritt PCP para makumpirma ang nasabing impormasyon kung saan inabutan ang mga suspek na nangongolekta ng taya sa imga bettors.

Agad inaresto ang mga suspek habang nagpulasan naman ang kanilang mga mananaya sa iba’t ibang direksyon.

Narekober sa mga suspek ang iba’t ibang peso bill at mga paraphernalia sa pagpapataya ng EZ-2.. Nina Francis Naguit & Jon-Jon Reyes

AUTHOR PROFILE