Lingkod ng Mamamayan ng Valenzuela City

October 23, 2021 Magi Gunigundo 884 views

Magi GunigundoMALAKING kagalakan sa akin noon Oktubre 4,2021 na malaman na pinagbigyan ng COMELEC ang petisyon na ,bilang isang ganap na partido politikal, angLingkod ng Mamamayan ng Valenzuela City o LINGKOD. Dahil dito , ang LINGKOD ay mayroon ngkarapatan at kakayanan na magpasok ng mga kandidatosa halalan sa darating na Mayo 9,2022 at mga susunodpang halalan.

Mayroon tatlong pangkat ang nagtutunggali paramakuha ang tiwala ng taong bayan na humawak sapamamahala ng lungsod Valenzuela: Pula, Dilaw at Orange. Ang kaisipan na magtatag ng isang partidopolitikal na tututok sa pagbabago ng lipunan at buhay ngmga taga-Valenzuela ay nabuo noon 2007 ng magsanibpuwersa ang pangkat Dilaw na pinamumunuan ni Dr. Bobbit L Carlos at ng pangkat Orange na pinamumunuanng inyong lingkod.

Naniniwala ang LINGKOD na ang mga taga-Valenzuela ay naglalayon ng isang pamahalaang maagap at pinaghahandaan ang bukas. Ang ganitong klase ng gobyernon ay nagsasaliksik at nangangalap ng datos na na batayan sa pagbuo ng mga patakaran at proyektong ginagamit ang utak,

pinapalakas ang institusyon , hindi ang isang pamilya lang, at sinusukat ang tagumpay ngproyekto sa dami ng bilang ng taong umangat ang antas ng buhay. At upang matulungan makalaya sa kahirapanang napakaraming mamamayan ng siyudad , ang pondong bayan ay mainam na ilaan sa mga proyekto na tuwiran ang bisa sa pagbabago ng buhay ng tao sa iba’t ibang aspeto kagaya ng edukasyon, kalusugan , hustisya at sapat na pagkain.

Makakamit lamang ang pamahalaang maagap kung ang mga mamamayan ng Valenzuela ay kikilos na akma sa pananagutan sa kani-kanilang pamilya. May kasabihan sa Africa na ang Lolo at Lola ang nagtatanim ng puno, na sa paglipas ng panahon, ang siyang magbibigay ng lilim sa kanilang mga apo. Sa kabila ng kahirapan, dapat ay layuan ng botante ang kanilang tanaw sa kinabukasan hindi lang ng mga anak bagkus ay hanggang sa kaapu-apuhan. Makikita ang kilos na ito sa uri ng ibinobotong mga pinuno na dapat ay may mgaganitong katangian : may mabuting loob at tibay ng dibdib na magpatupad ng patakaran na inaayawan ngilang naghaharing uri, at may taglay na progresibong kaisipan na ang pangunahing layunin ay maghatid ng mas maraming oportunidad sa buhay na mapapakinabangan upang makaahon sa kahirapan ang malaking bahagi ng lipunan ng Valenzuela. Bida ang tao, hindi ang nagbibida-bidahang political dynasty.

Sa ngayon, ako ang tumatayong Chairman ng Lingkod, at sila Atty. Artemio P. de Leon Jr ang Secretary General at Atty. Ernesto F Urbano ang General Counsel. Ang mga chapter presidents ng iba’t ibang barangay ay sila Orlando L. Barcala ng Gen T. De leon, Dianne Marie C. Naig ng Karuhatan, Alejandro V. Sanchez, CPA ng Marulas, dating Kapitan Rufino G Salvador ng Parada, dating kagawad Norma A. Deroña ng Paso de Blas, dating Mayor at Congressman Dr. Bobbit L. Carlos ng Palasan, Ma. Cristina DJ Tolentino ng Lawang Bato, dating Konsehal Ritche D Cuadra ng Ugong, at Engr. Antonio Valeriano M. Bernardo ng Lingunan. Nakahanda ang LINGKOD na makipag-alyado sa ibang partido na hindi salungat ang plataporma sa aming pinaninindigan.

Isinusulong ng Lingkod ang BTS ticket nina Engr Bombit Bernardo para Mayor ng Valenzuela City at Bgy Chairman Ricardo “Boy” de Gula para Vice Mayor at mga konsehal sa Distrito Uno ( dating Kapitan at ngayon ay kagawad Delio Lucero ng Veintereales, dating Kapitan at ngayon ay kagawad Waldo Estrella, dating kagawad Nico Trinidad ng Lingunan ) at Distrito Dos ( Shiela Gamuyod ng Marulas, Jasper Barcelona ngMarulas, dating kagawad Jason de Gula ng Karuhatan, Nida Cainap ng Gen T de leon, at dating Kapitan at ngayon ay kagawad Bong Ferrer ng Gen T. de leon).

Sa kabila ng nakikitang mga imprastraktura na galing sa bulsa ng mga nagbabayad ng buwis, ang baha ay nananatiling sa iba’t ibang lugar sa Valenzuela , at angbilang ng mahirap ay hindi nababawasan bagkus ay nadagdagan pa nga dahil sa nagaganap na pandemiya nawinarak ang mga negosyo at nagtanggal ng trabaho. At ang mga pasilidad at gamot para sa mga nagkasakit at namatay sa Covid 19 ay hindi sapat at malayong malayosa propaganda sa socmed. Sabi nga ni Engr. Bernardo, ”ang problema ng Valenzuela ay BTS : baha, trabaho at sakit.”

AUTHOR PROFILE