Janna Chriselle/IG
Like a diamond
Pinasiklab ng sexy star na si Janna Chriselle ang social media matapos niyang i-post ang isang larawan na halos ikabagsak ng internet.
Sa daring night outfit na mistulang nilikha para ipakita ang kanyang seductive charm, tila nagningning na parang brilyante si Janna sa dilim habang nagbibigay ng konting pasilip na siguradong nagpa-init sa kanyang followers.
Ang caption niyang “Like a thief in the night I’m coming for your heart” ay tumugma sa kanyang mapanuksong aura sa larawan.
Fire emojis at heart reactions ang nagsilbing sagot ng mga netizens na halatang tinamaan ng kanyang alindog.