Posas

Life guard vinideo naliligong bebot tiklo

September 25, 2023 Melnie Ragasa-limena 374 views

ARESTADO ang isang life guard matapos umanong silipan ang isang babae na lumalangoy sa binabantayan nitong swimming pool sa isang condominium sa Quezon City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa isang condominium sa Project 6, Quezon City pasado 5:00 ng hapon noong Setyembre 24, 2023.

Ayon sa report, nag check in ang 30-anyos na biktima kasama ang kanyang pamilya sa condominium.

Matapos mag-swimming, nagpunta sa sauna ang biktima at ang suspek ang nag-assist sa kanya.

Nang maligo umano ang biktima sa shower napansin nito ang nakalawit na telepono sa ilalim ng pintuan.

Agad na binuksan ng biktima ang pintuan at doon nito nakita ang suspek na kinukuhanan siya ng video habang naliligo.

Nag-agawan umano ang biktima at suspek para makuha ang telepono mula sa suspek. Habang nakikipag agawan ay nahawakan pa umano ng suspek ang kanyang dibdib.

Nang maagaw ng biktima ang telepono nakita niya ang video recording habang siya’y naliligo. Agad na inaresto ang suspek ng mga security guard ng condominium.

Kakasuhan ang suspek sa paglabag sa RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act and RA 11313.