Default Thumbnail

Lider ng ‘Ipit Gang’ arestado sa Maynila

November 5, 2021 Francis Naguit 202 views

Naaresto sa bisa ng inilabas na warrant of arrest ang isa umanong lider ng “ipit gang” na nambibiktima ng mga pasahero sa bus at mga pampasaherong jeep, matapos na masakote ito sa Sampaloc, Manila

Kinilala ang suspek na si Erwin De Luna, lider ng notoryus na grupo na Ipit Gang na nag-ooperate hindi lang sa Maynila kundi maging sa ibang parte ng Metro Manila.

Batay sa ulat ng Sampaloc Police Station 4-Warrant and Subpoena Section chief, Lt. Joseph Villafranca, inaresto si De Luna sa kaniyang pinagtataguan sa Sampaloc sa bisa ng warrant of arrest sa kasong pagnanakaw.

Sinabi ni Villafranca na may apat na miyembro ang grupo ni De Luna at tatlo na sa kanila ang naaresto habang pinaghahanap pa ang isa.

Nagkakilala umano ang mga magnanakaw sa isang concert at nagpasya na magtatag ng sarili nilang grupo sa pangunguna ni De Luna noong 2008 pa.

Modus ng grupo na iipitin ang isang matutukoy na biktima sa loob ng isang bus, kakalabit-kalabitin, babanggain at kapag nalingat ay tatangayin ang mahalagang gamit tulad ng cellular phone, wallet at alahas. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE