Ynares

Libreng school supplies, uniporme ipinamahagi ng Antipolo LGU

August 15, 2022 People's Tonight 97 views

ISANG linggo na lang pasukan na at ang mga batang Antipolenyo, handa na at excited sa pagbubukas ng klase sa Lungsod sa August 22, 2022.

Ito’y kasunod ng ginawang pamamahagi ng Antipolo City Government sa pangunguna ni Mayor Casimiro ‘Jun’ Ynares III, M.D. ng mga school supplies at uniforms na kailangan ng mga kabataan na mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod.

“Huwag pong mag-alala. Tulad pa rin ng halos isang dekada (simula 2014), naglaan po tayo ng pondo para sa libreng bag, uniporme at notebooks para sa ating mga anak at mag-aaral na nag-aaral ng elementary at HS sa mga public schools sa lungsod,” saad ni Mayor Jun.

At gaya umano ng nakagawian pa dati ay kailangan lang na magtungo sa mga eskwelahan kung saan naka-enroll ang mga bata, para makuha ang libreng mga kagamitan.

Paalala naman si Mayor Jun sa mga magulang patungkol sa iskedyul, para matiyak na nasusunod ang minimum health protocols at iwas ang dagsa ng tao.

“Maaari po kayong magtungo sa inyong mga public schools kung saan naka-enroll ang inyong mga anak upang makuha ang mga libreng kagamitan – 1 bag, 8 notebooks at uniporme sa oras at petsa na sabihin sa inyo ng inyong school officials,” paalala ni Mayor Jun.

AUTHOR PROFILE