‘Libreng Sakay’ tuloy pa rin – LTFRB

June 3, 2022 Jun I. Legaspi 91 views

TULOY ang “Libreng Sakay” program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ayon kay Chairman Martin Delgra III.

Sa press conference na ginawa sa Quezon City kasama ang ibang opisyales ng ahensiya DOTr at Land Transporation Office (LTO) Biyernes, sinabi ni Delgra naglaan ang administration ni President Rodrigo Roa Duterte ng mahigit na P7 bilyon piso para sa pagpapatuloy ng “Libreng Sakay Program” ng gobyerno.

Ayon kay Delgra, maganda ang feedback ng programa lalo na sa mga pasahero, drivers at mga operators na kalahok sa programa.

Nauna rito nagpasalamat ang mga transport groups sa DOTr at LTFRB sa pagpapatuloy ng naturang programa.

Ayon sa iba’t-ibang transport group, marami ang nakikinabang sa programa lalo na sa bahagi ng mga pasahero at mga operators.

Ayon sa mga transport groups kung hindi inilunsad ang “libreng sakay” baka lahat sila ay “wala na” dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Umaasa ang mga transport groups na magtutuloy-tuloy pa ang programa.

AUTHOR PROFILE